challenge

Word Prompt #8: Advise to Newbies

Word Prompt #8:

Advise to Newbies 

There are times when you couldn’t just share what you feel to other people, not even to your best friend. It may be something that you don’t want to share because you could be judge. But that’s where an online diary or creating a personal blog comes to help you. You can be totally anonymous and pour it all out or you could introduced yourself and be heard. It’ s something that gives you freedom to express without actually having the trouble of a direct conversation with a person. My advise to newbies? That is your page therefore you say what your hearts wants to say as long you know it doesn’t hurt anyone. Because online or not, you bear the consequences of your own words. You share whatever as long it’s something that you could live bc everyone in this planet is bound to see it. May it be personal, travel, news or even gossip blog, it’s yours to navigate however you wish.

Standard
Books, Bucket List, College, Experience, First, Happy Thoughts

Stealth Mode

 SHIT HAHA OKAY SO I CAME ACROSS THIS TAGALOG STORY I MADE WHEN I WAS IN MY FIRST YEAR COLLEGE WHILE I WAS CLEANING MY LAPTOP’S MEMORY . HAHA DON’T FREAKING JUDGE ME PEOPLE! YOU HAVE NO RIGHT WHATSOEVER HAHA! THIS WAS A REQUIREMENT! I HAD TO MAKE THIS!  🙈

Stealth Mode

          Mahirap nga naman kapag broken-hearted, walang nagagawang maayos, ni hindi mo maka usap ng matino. Ganito lang naman ang sitwasyon ni Jenny.

          Nag break kasi sila ng kanyang boyfriend na si Ken. Sa di sinasadyang di pagkakaintindihan na nag simula sa maliit na bagay na nag dulot ng hiwalayan.

            Mag iilang buwan na rin silang nag break. At ayon na nga, palagi na lamang naka tulala si Jenny habang hawak hawak ang kwintas na cross na binigay ni Ken para sa 5 years anniversary nila.

            Napilitan nalamang silang maging ‘normal’ na mag kaibigan dahil sa iisa lamang ang barkada nila. Naging madali naman sa kanila ang pagiging magkaibigan na lamang, hindi naman magiging maganda kung mag kakailangan sila sa harap ng barkada nila.

“Alam mo yun Maree? Yung ang sakit sakit ng nararamdaman mo? Na parang kina-cutter ang puso mo?”

Hay, eto nanaman tayo. Pabulong na sabi ng bestfriend niyang si Maree.

“Best, kasi naman baka naman mas makakabuti ng nangyari to. Malay mo may mas karapatdapat pa kesa kay Ken.”

“Siya nga ang gusto ko eh! Siya lang!”

            Paulit ulit lang nila tong pinag tatalunan, wala naman napupuntahan.

          Ngayong gabi habang nag fafacebook si Jenny, bigla nalang may nag pop-out sa babang kanto ng screen ‘skaterboss is now online’

            Biglang kinabahan si Jenny at di niya namalayan na mabilis niya nang nauubos ang kinakain niyang corn bits yung original flavor, favorite niya yun eh kasi favorite rin yun ng teacher niya sa Filipino na si Mam Raynes, yung maganda at sexy.

            Halo halong emosyon ang nararamdaman ni Jenny pero nag lakas loob parin ito at na i-pm si Kelly.

YM CONVERSATION:

simplicityismymiddlename: Hoy unggoy! Gumawa ka na ng assignment sa Filipino?

skaterboss: Unggoy ka dyan! Baboy! Haha. Meron ba? Pakopya na lang.

simplicityismymiddlename: Asa ka boooy! Di kita pakokopyahin, gumawa ka rin.

skaterboss: Tsk. Damot talaga nito. Bagay talaga sayo ang baboy! =p

simplicityismymiddlename is typing

Tse! Ikaw kaya ang bagay saakin!

OHMY! Erase erase

simplicityismymiddlename: Sama mo talaga kahit kelan!

skaterboss: *evil laugh* HAHA Sige na nga bye2 na at gagawa na ako, di mo naman ako pakokopyahin eh.

skaterboss is now offline

          Aww. Sad naman itong si Jenny at offline na si Ken. Hiling niya talaga na mag ka balikan na sila pero parang malabo na talagang mangyari yun eh. Pero pano nga naman nga ba sila mag kakabalikan kung walang gagawa ng paraan.

           Nang di namamalayan, bigla nalang nasend ni Jenny itong mga message kay Ken, tutal offline naman siya eh.

simplicityismymiddlename: Ken, mahal na mahal parin kita.

simplicityismymiddlename: Sobrang mahal, alam mo bang nalulungkot akong masyado simula ng magkahiwalay tayo hanggang ngayon.

simplicityismymiddlename: Miss na miss na miss na miss na kita.

simplicityismymiddlename: Will you still be mine?

simplicityismymiddlename: Tayo nanaman oh, si mam Raynes naiinip na.

simplicityismymiddlename: Patawad sa mga na—————

skaterboss: Ako rin Jenny, mahal parin kita. Sobrang mahal na mahal.

skaterboss: Alam mo bang parang binatohan ng paper weight ang puso ko araw araw, pati may seal ng Ateneo yung paper weight kaya mas mabigat, lalo na kapag nakikita kita at di man lang kita mahawakan.

           Nabigla naman si Jenny dahil sa hindi pala offline si Ken. Nahiya naman tuloy siya sa mga pinagsasasabi niya, pero wala na rin naman siyang magagawa, yan ang nararamdaman niya. Balak niya sanang sabihin kay Kelly na naligaw lang ang mga message na yun at di talaga para sakanya pero sa tingin niya ay di na siya makaka takas ngayon.

skateboss: Naka stealth mode lang ako, pinag mamasdan ko lang ang status mo. Namimiss kasi kita lalo kapag kachat kita.

Skaterboss: Sorry naging torpe ako.

skaterboss: Pwede ba tayo na ulit? Kahit ano pa gagawin ko. Miss na kita boss eh. Ikaw lang naman kaya ang pinakaiisang boss sa buhay ko.

skaterboss is now online

Standard